Ano nga ba ang pagbabago?


Ano nga ba ang pagbabago? Pagbabago mo bang matatawag ang noong araw pagpinagalitan mo ang isang bata ang tawag ay “sermon”, ngayon magalit ka sa bata tawag “ Verbal abuse” Noon pagpinalo ka ng magulang o guro mo, ang tawag Child Discipline. Ngayon pag ang bata ay pinalo o saktan ng magulang o guro, tawag ditto ay “ Child Abuse o physical Abuse. Noon pag ang bata ay umiyak dahil sia ay nadapa at pinatahan habang hinihimas ang kanyang likod ang tawag dun ay show of “ parental concern.” Ngayon yapusin mo ang bata at himasin ang likod dahil siya ay umiiyak ano ang itatawag sa iyo? “Chid Offender o Sexual Harasser.” Pagbabago ba ito?

Noon ang CBA ( Christian Building Activities ) ay talagang nagtuturo ng kabutihang asal. Ngayon ang CBA o Character Building Activities ay nagging “Colekta Muna bago Aral.’ Papasok si Sir o Ma’am sa classroom at pagkatapos magdasal at umawit ng Lupang Hinirang, ano ang kauna unahang kadalasang tinatanong ng teacher, “ Sino sa inyo ang hindi pa nagbabayad sa test paper, sa raffle ticket, sa Anti T.B. etc… Sinisingil na ako sa office. Ayoko na mag abono. Pagkatapos makapaningil akala ko magsisimula na ng leksyon, hindi pa pala, ang kasunod nito ang tanong ng guro, “ Sino naman sa inyo ang oorder ng skillbook o workbook? Natatawa po tayong lahat, ngunit mga kasama kong kaguruan, ito ang masakit na katotohanan na kinakaharap natin sa araw natin pagtuturo and yet we talk about change. Change of what? Pagbabago ng alin? Then who are we blame? Ito ang naiwan na katanungan. Sino ba ang may kasalanan, ang bata ba? Ang magulang ba? Ang guro ba? Ang Principal ba? O ang sistema na ating ginagalawan. Is it the corrupt system that has become our way of life that is to blame? I pray God for that answer.. Gustuhin man natin o hindi ang inaasahan natin pagbabago na inaakala natin makapagbabago sa atin lipunan ay hindi nangyayari dahil sa pagbibigay laya natin sa mga karapatang kapalit ng tunay na disiplina . Mga karapatang hindi nabigyan ng malalim na paliwanag kung saan at kailan dapat ito gamitin. We seemed to forget that discipline comes first before there is learning and in learning there is change.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: